Madam Speaker, my colleagues: Magandang hapon po.

 

In behalf of my constituents from the Sixth District of Quezon City, I vote “NO” to the proposal to bring the presumption of discernment for crimes with punitive penalties down to 12 years old.

 

ONE: RA 9344 has not been fully implemented.

 

Hindi pa man ganap na naipapatupad ang Juvenile Justice Welfare Act ay mayroon na panukala na i-amenda ito. Lumalabas na 60 lamang sa dapat 180 na Bahay Pag-asaang naitayo natin simula noong 2006. Higit dito, kulang at kalunos-luno ang estado ng mga ito.

 

TWO: It is not impossible to implement RA 9344.

 

Para sa akin na nagkaroon ng firsthand experience ng pag-rescue sa isang minor sa pagkakakulong sa isang detention facility para sa mga adults, ang inspirasyon ko sa pag-boto ng “NO” sa proposal na ito ay ang pag-aaruga sa mga CICL ng mga officials sa Culiat, isang barangay sa Distrito Sais kung saan ako naglilingkod. Culiat was awarded Best in Case Management by the Human Legal Assistance Foundation and UNICEF because here, barangay officials work together so that a proper referral system for minors involved, whether as suspect or as victim, in all cases, including domestic violence cases and drug cases, is in place.

 

In Culiat, art is an integral part of reformation and restoration. Sa pagsali ng mga CICL sa Anak Teatro, ay napaparamdam sa mga bata na sa kabila ng kanilang mga pagkakamali, may puwede pang magmahal at tumanggap sa kanila. Ang mga CICL, binibigyan ng puwang sa ating komunidad.

 

Kaya, sumasang-ayon ako sa sinabi ni Kagawad Nanay Bebang noong nakausap ko siya. Sabi nya, “We should give love to those children who don’t deserve it because that’s what they need – love.”

 

THREE: Let us not pass laws at the expense of our children.

 

Let’s go back to basics. Bilang mambabatas tanungin natin: Para kanino ba ang panukala na batas na ito? HB 8858 is obviously not for the benefit of children. Pagtibayin natin ang RA 9344 para sa mga pag-asa ng ating bayan. Nagawa na natin sa atin sa barangay, magagawa natin ito sa ating bansa.

 

I vote no to HB 8858.

 

See our Facebook Story