Mahalaga sa bawat programang pabahay ang pagsiguro na hindi mauudlot ang kabuhayan, edukasyon, at iba pang serbisyong panlipunan para sa mamamayan. Kaya naman nilalayon ng panukalang ito ang paggarantiya ng ligtas at malapit na pabahay para sa informal settler families ng mga lungsod, lalo sa mga nakatira sa mga mapanganib na lugar.
Maraming salamat sa lahat ng mga kasama nating mambabatas na patuloy na nakikiisa sa pagsulong ng panukalang ito!