Pasado sa Komite!

 Tandang Sora Senior High School (RA 11263)
 Emilio Jacinto National High School (RA 10975)
☑️ Talipapa National High School (HB 714)

Kaunting tumbling na lang mga ka-Distrito, madadagdagan pa ang ating mga high school.

Tingnan ang panukalang batas dito: http://www.congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB00714.pdf

 

 

 

Sa pagpasok ng bagong dekada, taos-puso kaming nagpapasalamat sa pagtitiwala. Sama-sama tayong uunlad sa serbisyong #MulaSaBayan, #ParaSaBayan.

Nais ng panukalang ito ang palakasin ang kakayanan ng gobyernong maglaan ng lupa para sa socialized housing. Masisiguro din nito na may sapat na pabahay sa loob ng ating mga urban at urbanizable lands.

Basahin ang bill dito: http://congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB00159.pdf

#SulongSaPabahay #MulaSaBayan #ParaSaBayan

Ipinasa ng Committee on Human Rights sa pamumuno ng chairperson nito na si Cong. Bong Suntay ang ating House Bill 5279. Nilalayon nito na sugpuin ang gutom sa bansa sa pamamagitan ng pag-coordinate ng mga ahensya ng gobyerno na gumawa at magpatupad ng mga programa na magpaparami sa produksyon at supply ng pagkain at gawin itong abot-kaya sa mga mamamayan.

Basahin ang bill dito: http://congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB05279.pdf

PAHAYAG NI CONG. KIT BELMONTE
SA PAGTANGGAP NI VP LENI ROBREDO
SA POSISYON SA Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD)

Kilala namin si VP Leni: Pangunahin sa puso sa isipan niya, ang magtrabaho nang maayos, at isulong ang kapakanan ng Pilipino. Masipag si VP Leni. Sinsero si VP Leni. Matapang si VP Leni. And she will never shrink from any responsibility to do what she can to make our people’s lives better.

Kaya hindi nakapagtataka ang naging mensahe ni VP Leni: Tatanggapin niya ang posisyong alok sa kanya, at gagawin niya ayon sa batas at prinsipyo ang trabahong kaakibat nito.

Kami man, may agam-agam. We know that there are those who might go against the direction she might set. Alam naming maaaring hindi ipatupad ang kanyang mga atas. Alam namin na maaaring para sa administrasyon, pulitika lang lahat ito.

But VP Leni does not play high politics with the lives of our people. We know that her sincerity overcame her own doubts, and it overcomes ours. Kung seryoso ang administrasyon, alam naming mas seryoso si VP Leni na tumulong.

Pagkakataon ito para ibaling ang anumang drug policy ng gobyerno sa tunay na dapat nitong pagtuonan: Sugpuin ang ugat ng droga, siguruhing magbubunga ito ng mas ligtas na mga komunidad, at tiyaking matitigil ang walang-habas na patayan.

If she is given the tools and is empowered by the administration, we can now altogether prove: The war on drugs can be part of the war against poverty— and not a war against poor people.

We approach this development with cautious optimism and with great pride in the courage and sincerity of our Party Chairperson.

###

Magandang balita! Mas maraming estudyante ang hindi na kailangang lumayo para mag-aral dahil naitayo na ang bagong four-storey 32-classroom building ng Emilio Jacinto National High School sa Brgy. Pasong Tamo na pinasinayaan noong ika-4 ng Oktubre. Nagpapasalamat tayo sa suporta mula kay Mayor Joy Belmonte, Kap. Banjo Pilar, at sa buong konseho ng Barangay Pasong Tamo.

#MulasaBayan
#ParasaBayan
#SulongsaImprastraktura
#SulongsaEdukasyon

Ginanap noong 7 October 2019 ang kauna-unahang State of the City Address ni Mayor Joy Belmonte. Dito inilahad niya ang kanyang mga nagawa at plano pa para sa Quezon City. Ilan dito ang pagpapabilis at pagpapabuti pa sa serbisyo para sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Sinigurado din ni Mayor ang isang malinis at dekalidad na pamamahala.

  • Sa issue ng African Swine Fever, pinanindigan ang desisyon na sundin ang protocol ng Bureau of Animal Industry para tuluyang maalis ang ASF sa ating lungsod. Na-cull na ang 4,466 na baboy at nasimulan nang makapagbigay na ng 30.3 million na financial assistance para sa mga hograiser.
  • Ang mga nasunugan, matatatanggap na ang financial assistance sa loob lang ng 3-5 araw sa dating 3-6 buwan.
  • Mayroon ding ordinansa para maging 10,000 ang dating 2,000 na financial assistance para sa mga nasunugan. Gayundin ang burial assistance, mula 10,000 magiging 25,000 full package.
  • Magiging agresibo ang pamahalaan para sa pagpapatupad ng Gender-Fair Ordinance.
  • Bumubuo na rin ng bagong shelter plan. Alinsunod sa pangakong in-city relocation, pinondohan na ng QC LGU ang pagbili ng malawak na lupa para itayo ang kauna-unahang Township Initiative. Magtatayo ng mid-to-high rise buildings na may abot-kayang payment schemes para sa mga informal settler families.
  • Ang pondo para sa medicine, tinaasan mula P550,000 magiging P2B pesos sa 2020.
  • Libre na rin ang maintenance medicine at pneumococcal vaccine para sa mga senior citizens.
  • Tataasan din ang medical assistance. Mula P3,000, ngayon P5,000 na.
  • Bumaba rin ang krimen sa ating lungsod.
  • Dinagdagan din ang mga CCTV sa ating lungsod. Hindi lang para bantayan ang krimen, kundi para bantayan din ang traffic sa mga kalsada ng QC.
  • May iba’t ibang programa din para pangalagaan ang kalikasan gaya ng solarization of government-owned buildings, reducing solid waste generation, supporting mass transport intiative at enchancing waste water management.
  • Hiniling sa City Council na magpasa ng isang ordinansa na bubuo ng Climate Change and Environment Sustainability Department na siyang tutugon sa mga epekto ng climate change sa ating lungsod.
  • Ang ating Freedom of Information Ordinance will allow full access sa publiko apra alam kung paano ginagamit ang pondo ng lungsod. Ipinatupad na rin ang Executive Order No. 1 na magtatatag ng internal auditing system para siguradong malinis ang pamamahala sa lungsod.
  • Pinagtibay at pinalakas ang linya ng komunikasyon 122 at 8888 emergency and public service hotlines.

Panoorin ang kabuuan ng talumpati rito:
https://www.facebook.com/MayorJoyBelmonte/videos/2712811042117005/