Salamat UP Asian Institute of Tourism!

Naging mahalaga sa ating laban kontra-COVID19 ang inyong pagbubukas ng pinto para sa Community-Based Testing Center (CBT) ng Distrito Sais. Dahil sa pasilidad ng UP AIT, naging posible ang halos dalawang libong testing sa Distrito.

Sa aming paglilipat ng CBT sa loob ng Distrito, nais naming ihatid ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong pakikiisa sa aming laban University of the Philippines, UP Diliman, Dean Leticia Susan Lagmay-Solis, Chancellor Fidel Nemenzo, at President Danilo Concepcion. Mabuhay po kayo!

#FlattenTheCurve #LeaveNoOneBehind #RaiseTheBar #LabanQC #QCLabanCOVID19 #QCUnitedVsCOVID19

Walang kinikilala ang virus na ito. Mula sa mahihirap nating kababayan hanggang sa ating mga pinuno, lahat pwedeng tamaan. Kaya lagi’t-lagi tayong mag-iingat: magsuot ng facemask, mag physical distancing at laging maghugas ng kamay.

Ang pagiging hands-on sa mga Special Concern Lockdown areas at health centers ni Mayor Joy ang nagdagdag sa panganib na mag-positibo siya sa COVID-19. Bagama’t kailangan niya mag-quarantine, tuloy pa rin ang kanyang trabaho. Mahusay ang sistemang kanyang binuo at pinamumunuan. Tuloy pa rin ang pag-responde, pagbibigay ayuda at serbisyo ng ating lokal na pamahalaan. Sa panahon na ang ating mga lokal na pamahalaan ang nasa harap ng laban ng COVID-19, pinapalangin natin ang mas mabilis na paggaling ng ating Mayor.

Hindi naging madali ang laban ng Distrito kontra-COVID19. Ngunit sa kabila ng mga paghihirap ng pandemyang ito, saksi tayo sa bangis ng pamumuno ni Dr. Laarni Malapit, District Health Officer ng Sais, para sa hanay ng health workers at ni PCPT Ma. Senalice Nato para sa hanay ng mga kapulisan. Hanga rin tayo sa tibay ng pagkakapit-bisig na ipinamalas ng ating mga barangay at mga asosasyon sa Distrito. Siniguro nila ang mabisang pag-implementa ng #TestTraceTreat sa bawat barangay at pagpapanatili ng kaayusan at ang paghatid ng ayuda sa ating mga komunidad.

Ginawaran ngayong umaga ng Quezon City Police District ang ating frontliners para sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa kampanya laban COVID19. Isang pagpupugay po sa inyo!

๐Ÿ…PCPT Ma. Senalice Nato
(Talipapa Police Station 3 – Quezon City Police District)
๐˜˜๐˜Š๐˜—๐˜‹ ๐˜–๐˜ถ๐˜ต๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‘๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜—๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜–๐˜ง๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜—๐˜Š๐˜™

๐Ÿ… Atty./Kap. ERIC JUAN
๐˜–๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต ๐˜š๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜‰๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ด

๐Ÿ… Dr. Laarni Malapit
(Quezon City Health Department Official)
๐˜–๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต ๐˜š๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ข๐˜ญ๐˜ด

๐Ÿ…Bantay Bayan Foundation, Inc.
๐˜–๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต ๐˜š๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜•๐˜ฐ๐˜ฏ-๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜–๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ป๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด

๐Ÿ…Saturnina Compound Homeowners Association
๐˜–๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต ๐˜š๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜•๐˜ฐ๐˜ฏ-๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜–๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ป๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด

๐Ÿ…Confederate Sentinels of God kasama si PBGEN Marcelino Pedroso
๐˜–๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต ๐˜š๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜•๐˜ฐ๐˜ฏ-๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜–๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ป๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด

Taos-pusong pasasalamat, District 6 frontliners, PLTCOL Benjamin Gabriel, Jr. at sa mga kapitan para sa inyong walang humpay na pagkalinga sa Distrito Sais! Tuloy ang laban!

#FrontlinersPH
#QCLabanCOVID19
#LabanQC
#QCunittedvsCOVID19
#LabanQC
#COVID19PH

Level up ang Swab Testing sa QC!

Bukod sa Community-Based Testing at House-to-House testing, may Mobile Community Testing Unit na rin ang Quezon City! Hinihikayat tayo ni Dr. Laarni Malapit, ang ating District 6 Health Officer, na magpa-test para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Lubos tayong nagpapasalamat sa Quezon City Government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte sa patuloy na pag alaga sa ating Lungsod Quezon at Distrito.

Virus ang kalaban, hindi ang isa’t-isa!

Naipasa sa 3rd and final reading sa Kamara ang House Bill 6817 o ang COVID-19 Related Anti-Discrimination Act. Sa ating panukalang batas, bawal i-discriminate ang ating mga frontliners, OFWs, mga may kaso ng COVID-19 at ang kanilang mga pamilya.

#AlaagangBelmonteย #COVID19ย #COVID19PHย #FrontlinersPH

Kapag naging ganap itong batas, papalawigin nito ang kakayanan ng pamahalaan na maglaan ng lupa para sa mga proyektong pabahay. Ibig sabihin, mas maraming mamamayan ang mabibigyan ng pabahay lalo na sa mga urban at urbanizable lands.

Basahin ang full text ng batas dito.

 

#SulongSaPabahayย #AlagangBelmonte

ย 
Pasado sa 3rd reading ang House Bill 4090 o ang pagdagdag ng bed capacity sa Quirino Memorial Medical Center mula 500 bed capacity tungo sa 1000 bed capacity. Sakto ito lalo na’t may may malaking pangangailangang mapataas ang kapasidad ng ating mga ospital.
ย 
Basahin ang HB4090 dito: http://www.congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB04090.pdf
ย 
#RaiseTheLine
#AlagangBelmonte
#BeatCOVID19
#COVID19PH

Kinakailangan ngunit mabigat para sa ating mga dialysis center ang pagsuot ng mga PPE. Ngunit mas mabigat ito kung mga kababayan nating may sakit ang sasagot nito. Sa ating panukalang resolusyon, maiibsan natin ang gastusin ng mga kababayan nating hirap na sa pagpapagamot, at risk pa sa CODIV-19.

#AlagangBelmonte
#FlattenTheCurve
#COVID19PH
#BeatCovid19

Sa pagbubukas ng Kongreso, dalawang panukalang batas ang ating ipinasa. Ito ang House Bill No. 6676 o ang COVID-19 Anti-Discrimination Bill at House Bill No. 6677 o ang Occupational Safety and Health Standards Bill. Isinumite rin natin ang House Resolution No. 820 para hikayatin ang mga angkop na komite na muling aralin ang Milk Code of the Philippines.