Sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, mahigit 22,000 benepisyaryo ng Distrito Sais ang nakatanggap ng ayuda mula sa Quezon City Social Amelioration Program (QC SAP) ng Quezon City Government.
Ang QC SAP ay iba sa DSWD SAP. Ito ay programa ng QC Government kung saan binigyan ng ayudang pinansyal ang mga nasa listahan ng DSWD na hindi nabigyan ng DSWD SAP.
Malaking tulong ito sa mga ka-Distrito natin sa paglaban sa COVID-19.
Maraming salamat po at hindi n’yo kami pinapabayaan!

Pasado sa 3rd and final reading ang ating panukalang batas na magtayo ng Department of Disaster Resilience. Ngayong panahon ng pandemya, dapat handa tayo sa anumang maaaring dumating na sakuna. Layunin ng HB5989 na palakasin ang kapasidad ng mga ahensiya at lokal na pamahalaan para sa mas mabilis at mabisang pakikipag-ugnayan hinggil sa mga paparating na sakuna. Tiyak na mas patitibayin ng panukalang ito ang kakayanan ng bawat sektor na harapin ang anumang banta ng sakuna.

#BangonSais

PANALO SA SERBISYONG KONTRA-COVID19!

Isang pagpupugay sa Brgy. Culiat, New Era, Sangandaan, Talipapa, at Unang Sigaw para sa mabisang aksyon laban COVID-19! Sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemyang ito ay ipinamalas ninyo ang diwa ng pagkakaisa at ng bayanihan. Patuloy kayong nagsisilbing inspirasyon sa ating mga ka-Distrito.

Nagpapasalamat din tayo sa Quezon City Government at kay Mayor Joy Belmonte sa inyong pamumuno at walang pawing pagpupursigi para sa muling pagbangon ng ating Lungsod!

Mabuhay po kayo!

#BangonSais #QCLabanCOVID19 #QCUnitedVsCOVID19 #QCatWork

Sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte: mahigit kalahating milyon ang naipamigay na food packs noong ECQ, halos 25,000 na bebnepisyaryo ng KalingangQC, at libu-libong libreng RT-PCR test ang isinagawa sa Distrito Sais.

Ito ang maliit na tagumpay ng #BayanihanSaQC at #BayanihangSais.

Ngayon, hinaharap natin ang pagsubok para sa #BangonSais.

BASAHIN ang Ang Kinabukasan: COVID-19 Special Issue #1:

 

 

 

We are recovering!

Nagbubunga ang ating Bayanihan, mga Ka-Distrito! Bilang Distrito sa Quezon City na may pinakamababang active cases ng COVID-19, unti-unti tayong bumabangon. Ang ating maliit na tagumpay ay bunga ng ating sama-samang pagtutulungan, disiplina, at maagap at epektibong aksyon ng ating City Government at mga barangay.

NGUNIT WAG PO TAYONG MAKAMPANTE.

Kailangan natin higitan ang ating mga nasimulan. Ang pagdagdag ng kapasidad para sa libreng testing at ang pagpapatayo ng isolation facilities sa bawat barangay ang ilan sa mga gagawin natin upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Hangad natin ang ma-#FlattenTheCurve. Ibig sabihin, maging flat ang pulang linya. Pigilan natin ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards. Laging magsuot ng face mask, mag-physical at social distancing, maghugas ng kamay, at hangga’t maaari, manatili sa bahay.

Sa ating Bayanihan, sigurado ang #BangonSais!

Source: Quezon City COVID-19 Case Bulletin

Zero na po ang active cases sa COVID-19 sa Barangay Unang Sigaw at Barangay New Era. Ang Barangay Unang Sigaw ang huli nating Barangay na nagkaroon ng COVID-19. Samantala, ang Barangay New Era ay nagtala ng mataas na kaso ng virus ngunit napababa rin ito.

Susi dito ang aggressive na kampanya ng Quezon City Government na Test, Trace, Isolate, Treat. MALIIT NA TAGUMPAY SA LABAN PERO HINDI PA ITO TAPOS. Huwag po tayong pakampante. Matagal pa po ang ating laban. Hangga’t maarri, sundin natin ang minimum health standards: magsuot ng face mask, mag social distancing, palaging maghugas ng kamay, at manatili sa bahay.

Ito ang COVID-19 Response Center ng Quezon City — sistematiko, organisado!

Ang kaiba pa sa ating COVID-19 Response Center, may tinatawag na “Event-based Surveillance Response Center” kung saan dito masinsin na inaalam kung saan pumunta at sino-sino ang nakasalumuha ng isang COVID-19 patient sa loob ng 14 araw. Sa pamamagitan nito, maagap na napuputol ang pagkalat ng virus sa mga komunidad.

#FlattenTheCurve #LeaveNoOneBehind #RaiseTheBar #QCLabanCOVID19 #QCUnitedvsCOVID19 #LabanQC

Laban, COVID Hunters!

Maagap, masinop, at agresibo–yan ang Contact Tracers ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit! Sila ang nangunguna sa pagputol ng community transmission ng COVID-19 upang tuloy ang arangkada ng #OplanRecovery sa Distrito.

Madalas makita ang kanilang team on the ground upang matiyak ang maagang pag-detect ng virus. Sa lawak ng ating lungsod, sinigurado rin ng Quezon City Government ang pagpapalakas ng pwersa ng ating contact-tracing.

Maraming salamat po sa inyong walang pawing serbisyo sa ating lungsod!#FlattenTheCurve #LeaveNoOneBehind #RaiseTheBar #QCLabanCOVID19 #QCUnitedvsCOVID19 #LabanQC

Full text of the petition against Anti-Terror Act filed today, 23 July 2020. This petition challenges the Anti-Terror Act as a violation of the rights to free speech, free expression, a free press, and to peaceably assemble to petition the government for redress of grievances. #JunkTerrorLaw

Mas malapit na ang Community-based Testing Center ng ating distrito!

Di na kailangang lumayo ng ating mga ka-Distrito dahil ang dating testing center natin sa UP-AIT ay nasa Talipapa Senior High School na! Sa pagtutulungan ng ating mga doktor, health workers, kapulisan, at ng team ng City at barangay, siguradong ligtas at maayos ang tuloy-tuloy na pag-test sa ating mga ka-Distrito.

Hinihikayat natin ang lahat ng may sintomas o may contact sa isang kompirmadong kaso na makipag-ugnayan sa kanilang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

📞 I-click lamang ang link para malaman ang contact number ng BHERT inyong barangay: tinyurl.com/D6BHERT

#FlattenTheCurve #LeaveNoOneBehind #RaiseTheBar #LabanQC #QCLabanCOVID19 #QCUnitedVsCOVID19