Kapag naging ganap na batas ang Bayanihan 3, sinisigurado na may pondo para sa mga guro ng Distrito Sais, maging sa buong Pilipinas, para sa makapagbigay ng kalidad na edukasyon sa gitna ng pandemya. Tugon ito sa kagustuhan ng ating mga guro sa District 6. Hiling nila ang internet allowance para makapagturo sa kanilang mga estudyante sa online learning set-up.
Sa Bayanihan 3, may nakalaang pondo para sa mga guro at estudyante:
Tatlong bilyong piso (P3-billion) para mabigyan ng tablet ang mga estudyante;
Isang bilyong piso (P1-billion) para sa mobile at internet allowance ng mga DepEd personnel, kabilang ang mga guro; at
Limang daang milyong piso (P500,000,000) para sa allowances ng displaced at adversely affected na teaching at non-teaching personnel sa higher education institutions.
Basahin ang bill dito.