Ginanap noong 7 October 2019 ang kauna-unahang State of the City Address ni Mayor Joy Belmonte. Dito inilahad niya ang kanyang mga nagawa at plano pa para sa Quezon City. Ilan dito ang pagpapabilis at pagpapabuti pa sa serbisyo para sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Sinigurado din ni Mayor ang isang malinis at dekalidad na pamamahala.

  • Sa issue ng African Swine Fever, pinanindigan ang desisyon na sundin ang protocol ng Bureau of Animal Industry para tuluyang maalis ang ASF sa ating lungsod. Na-cull na ang 4,466 na baboy at nasimulan nang makapagbigay na ng 30.3 million na financial assistance para sa mga hograiser.
  • Ang mga nasunugan, matatatanggap na ang financial assistance sa loob lang ng 3-5 araw sa dating 3-6 buwan.
  • Mayroon ding ordinansa para maging 10,000 ang dating 2,000 na financial assistance para sa mga nasunugan. Gayundin ang burial assistance, mula 10,000 magiging 25,000 full package.
  • Magiging agresibo ang pamahalaan para sa pagpapatupad ng Gender-Fair Ordinance.
  • Bumubuo na rin ng bagong shelter plan. Alinsunod sa pangakong in-city relocation, pinondohan na ng QC LGU ang pagbili ng malawak na lupa para itayo ang kauna-unahang Township Initiative. Magtatayo ng mid-to-high rise buildings na may abot-kayang payment schemes para sa mga informal settler families.
  • Ang pondo para sa medicine, tinaasan mula P550,000 magiging P2B pesos sa 2020.
  • Libre na rin ang maintenance medicine at pneumococcal vaccine para sa mga senior citizens.
  • Tataasan din ang medical assistance. Mula P3,000, ngayon P5,000 na.
  • Bumaba rin ang krimen sa ating lungsod.
  • Dinagdagan din ang mga CCTV sa ating lungsod. Hindi lang para bantayan ang krimen, kundi para bantayan din ang traffic sa mga kalsada ng QC.
  • May iba’t ibang programa din para pangalagaan ang kalikasan gaya ng solarization of government-owned buildings, reducing solid waste generation, supporting mass transport intiative at enchancing waste water management.
  • Hiniling sa City Council na magpasa ng isang ordinansa na bubuo ng Climate Change and Environment Sustainability Department na siyang tutugon sa mga epekto ng climate change sa ating lungsod.
  • Ang ating Freedom of Information Ordinance will allow full access sa publiko apra alam kung paano ginagamit ang pondo ng lungsod. Ipinatupad na rin ang Executive Order No. 1 na magtatatag ng internal auditing system para siguradong malinis ang pamamahala sa lungsod.
  • Pinagtibay at pinalakas ang linya ng komunikasyon 122 at 8888 emergency and public service hotlines.

Panoorin ang kabuuan ng talumpati rito:
https://www.facebook.com/MayorJoyBelmonte/videos/2712811042117005/

 

Pagkolekta ng tubig-ulan, ito ang isa sa mga nakikita nating solusyon para maibsan ang pagbabaha at kakulangan sa supply ng tubig sa ating lungsod.

Pasado na sa Committee on Metro Manila Development ang ating HB 4124 o Rainwater Harvesting Facility Act.

Tingnan ang panukalang batas dito.