Ginalingan muli ng ating mga katuwang sa adbokasiyang pabahay! 🙌
Nung nakaraang kongreso pa natin ‘to sinusulong kaya’t bagamat hindi pa ganap na batas, malaking hakbang ang pagpasa ng Rental Subsidy Bill sa 3rd reading. Maraming salamat sa lahat ng mga grupong maralitang taga-lungsod, HOA, CSO, mga mambabatas, at mga ahensiyang patuloy na nagtatrabaho para sa pagpasa ng panukalang ito!
Basahin ang bill dito: https://www.congress.gov.ph/legisdocs/third_18/HBT8736.pdf
✔ Tuloy ang pag-usad ng Rental Housing Subsidy Program Bill sa Kongreso!
Ilang hakbang pa bago maging ganap na batas ang panukalang ito, pero tuloy lang po ang ating pagsulong hanggang sa pag-apruba ng pangulo sa programang ito. Sinisiguro ng panukalang ito ang pantawid upa para sa mga kwalipikadong maralita.

Mensahe ni Cong. Kit Belmonte sa Distrito 6 para sa unang anibersaryo ng lockdown dahil sa COVID-19 Pandemic.