

Pasado sa 3rd and final reading ang ating panukalang batas na magtayo ng Department of Disaster Resilience. Ngayong panahon ng pandemya, dapat handa tayo sa anumang maaaring dumating na sakuna. Layunin ng HB5989 na palakasin ang kapasidad ng mga ahensiya at lokal na pamahalaan para sa mas mabilis at mabisang pakikipag-ugnayan hinggil sa mga paparating na sakuna. Tiyak na mas patitibayin ng panukalang ito ang kakayanan ng bawat sektor na harapin ang anumang banta ng sakuna.
PANALO SA SERBISYONG KONTRA-COVID19!
Isang pagpupugay sa Brgy. Culiat, New Era, Sangandaan, Talipapa, at Unang Sigaw para sa mabisang aksyon laban COVID-19! Sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemyang ito ay ipinamalas ninyo ang diwa ng pagkakaisa at ng bayanihan. Patuloy kayong nagsisilbing inspirasyon sa ating mga ka-Distrito.
Nagpapasalamat din tayo sa Quezon City Government at kay Mayor Joy Belmonte sa inyong pamumuno at walang pawing pagpupursigi para sa muling pagbangon ng ating Lungsod!
Mabuhay po kayo!
Sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte: mahigit kalahating milyon ang naipamigay na food packs noong ECQ, halos 25,000 na bebnepisyaryo ng KalingangQC, at libu-libong libreng RT-PCR test ang isinagawa sa Distrito Sais.
Ito ang maliit na tagumpay ng #BayanihanSaQC at #BayanihangSais.
Ngayon, hinaharap natin ang pagsubok para sa #BangonSais.
BASAHIN ang Ang Kinabukasan: COVID-19 Special Issue #1: