Masaya ang naging pagtitipon sa 13E, Brgy. Tandang Sora upang mapakinggan ang Team Sulong Sais kung saan kabilang sina Congressman Kit Belmonte, Vice MAYOR JOY Belmonte, Councilor GIAN Sotto, Councilor Bobby Castelo, Councilor Marivic Co-Pilar, Councilor Roger Juan, Councilor Donny Matias, Councilor Eric Medina, at Councilor Lala Sotto.

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap nina Kap. Marlou Ulanday, Kgd. Baby Apo, Kgd. Emily Hernandez, Kgd. Pandoy Alcantara, Kgd. Richard Geronimo, Kgd. Paolo Aquino, Kgd. Jade Sevilla, Kgd. Cocoy Medina, sa mga SK kagawad, sa mga barangay staff, at sa lahat ng mga lider ng barangay.

See our Facebook Story

Isang paalala para sa mga magulang na kumpletuhin ang pagbakuna sa inyong mga anak upang makaiwas sa TIGDAS. Lubhang nakakahawa ang sakit kaya’t mabuting maging alisto sa mga sintomas nito:

• Mataas na lagnat
• Ubo
• Sipon
• Pagtutubig at pamumula ng mata
• Pagpapantal (rashes)

Agarang lumapit sa inyong Barangay Health Center para dito, at siguraduhin ding kumpleto ang iba pang kinakailangang bakuna:

1. BCG vaccine para sa tuberculosis
2. Hepatitis B vaccine
3. Pentavalent vaccine para sa diphtheria, pertussis, tetanus, influenza, at hepatitis B
4. Oral polio vaccine
5. Inactivated polio vaccine
6. PCV para pulmonya at meningitis
7. MMR vaccine para sa tigdas at beke

#SulongsaKalusugan #MulasaBayan #ParasaBayan

See our Facebook Story

Isang masayang pagtitipon ang naganap kaninang umaga sa Veterans Covered Court, Brgy. Pasong Tamo kasama sina Congressman Kit Belmonte, Vice MAYOR JOY Belmonte, Councilor GIAN Sotto, Councilor Bobby Castelo, Councilor Marivic Co-Pilar, Councilor Roger Juan, Councilor Donny Matias, Councilor Eric Medina, at Councilor Lala Sotto. Maraming salamat kina Kap. Banjo Pilar, Kgd. Steph Pilar, Kgd. Charmaine Deuna, Kgd. Katherine Marcos, Kgd. Ann Macaya, Kgd. Moyok Ignacio, Kgd. Mercedes Bisonaya, sa mga barangay staff, at sa lahat ng mga lider ng barangay.

See our Facebook Story

Good news para sa Brgy. Apolonio Samson! Nakipagpulong tayo kasama ang Quezon City LGU, Presidential Commission for the Urban Poor, Department of Public Works and Highways, at Department of Interior and Local Government para sa napipintong pagsasakatuparan ng Kaingin Bukid Flood Control and Housing Project.

#SulongSaPabahay #SulongSais #MulaSaBayan #ParaSaBayan

 

See our Facebook Story

Ikaw na lang ang kulang!

If you are in the 6th District of Quezon City, nominate your kapitbahay, kamag-anak, ka-trabaho, ka-eskwela, ka-Zumba at kasama mo sa mga advocacy na gawain para maging #11thKababaihangDangalNgBayan.

Maaaring kumuha ng #NominationForms sa mga sumusunod;

a. Go to our website www.cec.asia
b. KIT coordinator sa inyong lugar or makipag-ugnayan sa CEC secretariat sa telepono blg. (02) 9620601.

#11thKBD #KababaihangDangalNgBayan #GalingNgPinay2019

Nakikiramay kami sa pamilya at mga kaibigan ni Kap. Criselle “Beng” Beltran. Matagal nating pinanday ang ating pagkakaisa tungo sa pag-unlad na hangarin nating lahat. Hindi tayo papayag na MABULOK ang ating pulitika patungong karahasan at patayan.

#JusticeForKapBeng

 

See our Facebook Story

Maagang nagtipon ang ating mga kadistrito mula sa F. Carlos upang mapag-usapan, kasama ang ating butihing Congressman Kit Belmonte, ang mga tunay na issue na kinakaharap ng Brgy. Baesa tulad ng issue sa kalusugan, pabahay, at kabuhayan. Maraming salamat kina Councilor Roger Juan, Councilor Donny Matias, Councilor Eric Medina, sa butihing kapitan ng Baesa, Kap. Gemma Juan, kasama sina Kgd. Ed Juan, Kgd. Resty Rivera, Kgd. Lengleng Montevirgen, Kgd. Mike Llantos, at Kgd. Renan Castillo, at iba pang lider ng barangay, sa mainit na pagtanggap sa atin.

See our Facebook Story

 

Madam Speaker, my colleagues: Magandang hapon po.

 

In behalf of my constituents from the Sixth District of Quezon City, I vote “NO” to the proposal to bring the presumption of discernment for crimes with punitive penalties down to 12 years old.

 

ONE: RA 9344 has not been fully implemented.

 

Hindi pa man ganap na naipapatupad ang Juvenile Justice Welfare Act ay mayroon na panukala na i-amenda ito. Lumalabas na 60 lamang sa dapat 180 na Bahay Pag-asaang naitayo natin simula noong 2006. Higit dito, kulang at kalunos-luno ang estado ng mga ito.

 

TWO: It is not impossible to implement RA 9344.

 

Para sa akin na nagkaroon ng firsthand experience ng pag-rescue sa isang minor sa pagkakakulong sa isang detention facility para sa mga adults, ang inspirasyon ko sa pag-boto ng “NO” sa proposal na ito ay ang pag-aaruga sa mga CICL ng mga officials sa Culiat, isang barangay sa Distrito Sais kung saan ako naglilingkod. Culiat was awarded Best in Case Management by the Human Legal Assistance Foundation and UNICEF because here, barangay officials work together so that a proper referral system for minors involved, whether as suspect or as victim, in all cases, including domestic violence cases and drug cases, is in place.

 

In Culiat, art is an integral part of reformation and restoration. Sa pagsali ng mga CICL sa Anak Teatro, ay napaparamdam sa mga bata na sa kabila ng kanilang mga pagkakamali, may puwede pang magmahal at tumanggap sa kanila. Ang mga CICL, binibigyan ng puwang sa ating komunidad.

 

Kaya, sumasang-ayon ako sa sinabi ni Kagawad Nanay Bebang noong nakausap ko siya. Sabi nya, “We should give love to those children who don’t deserve it because that’s what they need – love.”

 

THREE: Let us not pass laws at the expense of our children.

 

Let’s go back to basics. Bilang mambabatas tanungin natin: Para kanino ba ang panukala na batas na ito? HB 8858 is obviously not for the benefit of children. Pagtibayin natin ang RA 9344 para sa mga pag-asa ng ating bayan. Nagawa na natin sa atin sa barangay, magagawa natin ito sa ating bansa.

 

I vote no to HB 8858.

 

See our Facebook Story

 

 

Tandang Sora Senior High School,

Kaunting panahon na lang ay maisasabatas na ang pagtatayo ng Tandang Sora Senior High School. Noong nakaraang linggo ay naaprubahan na ng Senado ang panukalang batas na ito. Pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay upang maisakatuparan ito.

Di na tayo mapapalayo o mapapamahal para mag senior high school mga ka-distrito!

See our Faceboook Story